Lalaki, patay sa buy-bust operation ng Cainta PNP

Manila, Philippines – Patay ang isang drug personality, matapos umanong manlaban sa mga awtoridad sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay San Isidro, Cainta, Rizal.

Kinilala ang biktima na si Sanny Dela Calzada alyas Soneng, 32 anyos.

Ayon kay Cainta OIC Chief P/Supt. Serafin Fortuno Petalio, nagpanggap na bibili ng shabu sa halagang 200 piso ang isang pulis, pero nang maramdaman umano ng drug suspek na pulis ang kanyang katransakyon ay agad na bumunot ng baril at pinaputukan ang mga awtoridad.


Gumanti rin ng putok ang mga operatiba ng Cainta PNP na nagresulta ng agarang kamatayan ng suspek.

Narekober kay Dela Calzada ang ilang sachet ng shabu, drug money at kalibre 38 baril.
DZXL558

Facebook Comments