Lalaki, Patay sa Drug Buybust Operation ng PNP Cauayan City

59

Cauayan City, Isabela- Nauwi sa engkuwentro na ikinamatay ng suspek ang ikinasang drug buybust operation ng PNP Cauayan City dakong alas 2:00 kaninang madaling araw sa barangay Cabaruan ng naturang Lungsod.

Sa nakalap na impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, nagsagawa ng drug buybust operation ang PNP Cauayan sa pangunguna ng hepe na si PCol Gerald Gamboa laban kay Zenus Dela Cruz, nasa hustong gulang at residente ng Brgy. Sinippil, Reina Mercedes, Isabela.


Nang makabili ng isang (1) sachet ng hinihinalang shabu ang isang pulis na nagpanggap na poseur buyer ay natunugan umano ng suspek na awtoridad ang kanyang nabentahan kaya’t agad umanong naglabas ng baril at ipinutok sa katransaksyon na nailagan naman ng una.

Agad na dumipensa ang police poseur buyer kaya’t nabaril ang suspek na nasa loob ng kanyang sasakyan na may plakang TFW 843 na nagresulta sa kanyang agarang pagkamatay.

Isinugod ng rumespondeng Rescue 922 sa ospital ang suspek subalit idineklara itong dead on arrival (DOA) ng attending physician.

Kasalukuyan pa ang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa nangyaring insidente habang nasa isang puneraya na sa Lungsod ang bangkay ng suspek.




Facebook Comments