Lalaki patay sa drug operation sa bayan ng Mlang North Cotabato

Patay ang isang drug suspect sa isinagawang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng Mlang PNP, Cotabato Police Provincial Office, at PDEA-12 dakong alas kwatro ng madaling araw kanina sa Magsaysay Avenue Barangay Poblacion sa bayan ng Mlang North Cotabato.
Kinilala ang suspect na si Primitivo Karurukan Gaspar, alyas Tibo ,residente ng nabanggit na lugar.
Sa report ay nanlaban ang suspect nang isilbi ang search warrant na ipinalabas ni Judge Alandrex Betoya ng RTC branch 16 ng Kabacan dahilan para gumanti ang mga pulis. Dinala pa ito sa pagamutan subalit idineklarang dead on arrival.
Narekober ng raiding team ang apat na pakete ng shabu, isang cal. 45 pistol na may kasamang mga bala at drug paraphernalias.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments