Lalaki – patay sa isinagawang buy bust operation sa Canlaon City, Negros Oriental

Negros Oriental, Philippines – Patay ang isang lalaki matapos manlaban umano sa ginawang buy bust operation sa PNP sa National Highway, Barangay Binalbagan, Canlaon City, Negros Oriental.

Ang drug suspek ay nakikilalang si Archel E. Aguilar, nasa hustong gulang at nakatira sa nasabing barangay.

Sa investigation ng Scene of the Crime Operatives, nanlaban ang suspek gamit ang kanyang hawak na baril kaya nabaril ng mga miyembro sa City Drug Enforcement Unit sa lungsod, dahilan ng pagkamatay ng suspek.
DZXL558


Facebook Comments