Dalawang pulis ng Cagayan De Oro City Police Office, pinarangalan

Cagayan De Oro, Philippines – Pinarangalan ang dalawang pulis na sakop ng Cagayan De Oro City Police Office o COCPO dahil sa pagkadakip ng isang snatcher sa Salina Bridge sa siyudad ng Cagayan De Oro.

Ayon kay COCPO spokesperson chief Inspector Mardy Hortillosa, na natanggap ng dalawang pulis ang plake, ngunit hindi na kinumpirma nito kung may cash reward.

Matatandaan na noong nakaraang linggo, pinarangalan din ang isang traffic enforcer, matapos tumulong sa anti-criminality campaign sa mga otoridad.
DZXL558


Facebook Comments