Lalaki, Patay sa Pagtatayo ng Internet

1213

Cauayan City, Isabela- Patay ang isang lalaki sa itinayong tubo ng internet makaraang maputol at mahulog ito bandang 12:30 kaninang tanghali sa Brgy. Tuguegarao, Echague, Isabela para sa internet connection.

Kinilala ang nasawing biktima na si Manuel Espiritu Jr., 38-anyos, isang Private internet provider at residente ng Brgy. Malitao sa nasabing bayan.


Batay sa pagresponde ng Echague Rescue team, nasa mataas na bahagi ang biktima ng biglang maputol ang tubo dahilan para maisama ito sa pagbagsak.

Lumalabas sa inisyal na pagsusuri sa biktima, may hiwa ito sa kanang bahagi ng ulo, deformities sa kaliwang bahagi ng kanyang paa at pagdurugo sa tenga at ilong.

Agad na isinugod sa pagamutan ang biktima subalit idineklara itong dead on arrival ng sumuring doktor.

Labis naman ang panghihinayang ng kaaanak ng biktima sa sinapit ng kanilang mahal sa buhay lalo pa’t ipinagdiriwang ngayon ang kaarawan ng kanyang kaisa-isang anak habang nangibang bansa naman ang misis nito.



Photo: (Posted by the member of his family)


Facebook Comments