Lalaki, Patay sa Pamamaril sa Cauayan City, Isabela!

997

Cauayan City, Isabela- Patay sa pagamutan ang isang lalaki matapos itong pagbabarilin pasado alas 5:00 kaninang umaga sa Brgy. Cabaruan, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Pedro Tubay, 59 anyos, may-asawa at residente ng Brgy Carabbatan Chica, Cauayan City, Isabela.


Batay sa imbestigasyon ng PNP Cauayan City, habang sakay ang biktima sa minamanehong motorsiklo ay tumigil muna ito sa harap ng isang buying station nang biglang lumapit ang hindi pa nakikilalang mga suspek na sakay rin ng motorsiklo at basta na lamang pinagbabaril ng maraming beses ang biktima.

Nagtamo ng iba’t-ibang tama ng bala ng baril sa katawan ang biktima at siya’y isinugod sa ospital subalit binawian din ng buhay habang nilalapatan ng lunas.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para sa pagkakahuli at pagkakakilanlan ng mga suspek.

Facebook Comments