12 Anyos na may Kapansanan, Hinihinalang Nalunod-Patay sa Fishpond!

155

Cauayan City, Isabela- Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang 12 anyos na lalaki na pinaghihinalaang nalunod sa isang fishpond sa Brgy. District 1, Benito Soliven, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Justine Maladiona, 12 taong gulang, Special Child at residente ng Brgy District 1, Benito Soliven, Isabela.


Sa impormasyong nakuha ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), bandang alas 8:00 kagabi nang magtungo ang mismong ama ng biktima na si Mardy Maldiona upang i-report ang nawawala nitong anak.

Dakong alas 9:00 kagabi nang makita ang katawan ng biktima na hinihinalang nalunod sa fishpond na pagmamay-ari ni Geraldine Valdez sa Brgy. District 2, Benito Soliven, Isabela.

Isinugod pa ang biktima sa ospital subalit idineklara itong dead on arrival (DOA).

Dinala sa punerarya ang bangkay ng biktima para sa autopsy habang iniimbestigahan pa ng pulisya ang nangyaring insidente.

Facebook Comments