Lalaki, patay sa pamamaril sa Maynila

18

Manila, Philippines – Dead on the spot ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa Old Site, Baseco Compound sa Maynila.

Kinilala ang biktima na si Johnry Floreno base na rin sa nakuha na Comelec ID rito.

Nagtamo ng tama ng bala ng baril malapit sa kanyang leeg ang biktima na nagresulta sa agarang kamatayan nito.

Patuloy namang inaalam ng mga awtoridad ang motibo sa pamamaslang dito.

Facebook Comments