Lalaki, arestado sa pagpatay sa sariling anak sa Iloilo

Badiangan, Iloilo – Kalaboso ang isang ama matapos patayin ang sarili nitong anak sa Badiangan, Iloilo.

Ayon kay Police Senior Inspector John Paul Guay, hepe ng Badiangan Police, tinakpan ng unan ng suspek na si Rio Carmen Palayo ang mukha ng 9-anyos na biktima hanggang sa mamatay ito.

Nagising na lang aniya ang ibang kaanak ng bata nang marinig ang pagharurot ng motorsiklo ng suspek palayo sa kanilang bahay.


Nahuli ng mga awtoridad ang suspek matapos siyang sumemplang sa tapat mismo ng isang presinto ng pulis.

Batay sa imbestigasyon, posibleng napagbuntunan ng galit ng ama ang bata dahil sa away nila ng kaniyang kinakasamang nasa ibang bansa.

Facebook Comments