Lalaki, patay sa pananaksak sa Maynila

Manila, Philippines – Dead on arrival sa Mary Johnston Hospital ang 47 anyos na si Erik De Mesa matapos pagsasaksakin sa Brgy. 35 Zone 3 sa Tondo, Maynila kagabi.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Homicide section ng MPD, nagtatalo ang biktima at ang suspek na kinilalang si Romeo Constantino bago nauwi sa pananaksak.

Nakuhanan pa ng CCTV sa lugar ang aktwal na pananaksak. Makikitang papasok ang dalawa sa kanto ng Barcelona at Sandiko st. Makalipas ang isang minuto ay lumabas mag-isa ang suspek.


Nakauwi pa ng bahay si De Mesa na nagtamo ng mga saksak sa tagiliran, dibdib at mukha at agad na isinugod sa ospital ngunit hindi na umabot pa ng buhay.

Ayon sa ina ng biktima na si Teresita, posibleng selos ang motibo sa krimen.

Ngunit naniniwala ang mga residente na napagtripan lamang ang biktima.

Pinaghahanap na ngayon ng pulisya si Constantino na nakatira sa katabing kalye na napagalamang kalalabas lamang ng kulungan dahil umano sa iligal na droga.

Facebook Comments