Lalaki, Patay sa Salpukan ng 2 Motorsiklo!

Cauayan City, Isabela- Patay ang isang lalaki matapos na sumalpok sa kasalubong na motorsiklo sa kahabaan ng Bgy. Inaban, Dupax del Norte, Nueva Vizcaya.

Nakilala ang biktima na si Alberto Padillio, 53-anyos, may-asawa at residente ng Barangay Inaban, Dupax del Norte. Nueva Vizcaya.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, habang binabagtas ng biktima ang lansangan ay nag-overtake ito sa sinusundang sasakyan subalit nang ito ay nasa kabilang linya ay sumalpok ito sa kasalubong na motorsiklo na minamaneho ni Vernon Rebujio, 24-anyos, may-asawa at residente rin sa naturang lugar.


Sa tindi ng salpukan ay nagtamo na malalim na sugat sa iba’t-bang bahagi ng katawan ang dalawang lulan ng motorsiklo na agad namang dinala sa pagamutan para sa kanilang lunas subalit binawian din ng buhay si Padillio.

Napag-alaman na nasa impluwensiya ng nakalalasing na inumin si Padillio nang ito ay bumaybay sa lansangan.

Facebook Comments