Paghahanap sa Nalunod na Trabahador, Patuloy!

133

Cauayan City, Isabela- Patuloy ang isinasagawang search and rescue operation ng mga otoridad sa isang trabahador na pinaniniwalaang nalunod sa ilog sa Brgy. Alicaocao, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang nawawalang biktima na si Marvin Osotio, 22 anyos, binata, at residente ng Brgy. Bannawag, Angadanan, Isabela.


Batay sa imbestigasyon ng PNP Cauayan City, ipinagbigay alam ng mismong mga kaibigan ng biktima na sina Danilo Baniaga at Jobal Abad, mga nasa tamang edad na ang kanilang kanilang kaibigan ay nalunod sa nasabing ilog.

Pauwi na sana ang mga ito pagkatapos ng kanilang inuman subalit hiniling umano ng biktima na maligo muna sa ilog na sinang-ayunan naman ng kanyang mga kaibigan.

Ilang sandali pa ay napansin ng dalawang kasamahan ng biktima na nasa gitnang bahagi na ito ng ilog at bigla na lamang nawala.

Nagsasanib pwersa naman sa paghahanap ang Rescue 922, PNP Cauayan at ng Tactical Operations Group 2 (TOG-2) ng Philippine Air Force para sa pagrekober sa katawan ng biktima.

Facebook Comments