Lalaki, Patuloy na Pinaghahanap Matapos mahulog sa Tulay!

211

*Cauayan City, Isabela-*Patuloy ang isinasagawang retrieval operation ng pinagsanib na pwersa ng Rescue 922 at Humanitarian Assistance and Disaster Response Team ng Tactical Operations Group 2-Philippine Air Force sa posibleng pagrekober ng katawan ng isang lalaki matapos itong mahulog lulan ng kanyang motorsiklo sa Alicaocao Bridge bandang 8:30 kagabi sa Brgy. Alicaocao, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Arnel Wania, 40 anyos, isang janitor at residente ng Brgy. Union sa nasabing lungsod.


Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ginang Marilyn Wania,30 anyos, misis ng biktima, pauwi na sila sa kanilang bahay mula sa kanilang mga pinapasukang trabaho ng pinababa ito mula sa sinasakyang motorsiklo dahil medyo mataas ang lebel ng tubig ngunit ng nasa gitnang bahagi na ng tulay ang mister nito ay aksidenteng nahulog kasama ang motorsiklong ginamit.

Ayon pa kay Ginang Wania, aminadong nakainom ang biktima bago pa man mangyari ang insidente.

Umaasa naman ang pamilya ng biktima na matatagpuan ang katawan ng kanilang kaanak.

Facebook Comments