VIRAL: Roleta, gamit ng isang guro sa pagpili ng mag-rerecite sa klase

1138
Courtesy Nesha Sorita

Siguradong walang ligtas at patas ang pamamaraan ng isang guro mula sa STI Cubao sa pagpili ng estudyanteng mag-rerecite sa kaniyang klase.

Sa halip na bumunot ng index card o mag-random calling, roleta ang ginagamit ng gurong si Jayrold Baliwagan mula sa STI Cubao.


 

Ang makapigil-hininga pero nakatutuwang eksena, nakuhanan ng mag-aaral na si Nesha Sorita.

Salaysay ng uploader, kabado at nakatutok ang klase nila sa bawat ikot ng roleta dahil nababahala silang matawag sa recitation.

Pumatok sa netizens ang recitation wheel ni Teacher Baliwagan na pumalo sa mahigit 500,000 views.

Facebook Comments

From Advertisers