Lalaki, pinag-ransom daw ng P50K para sa ninakaw na alagang aso

Pinagbayad daw ang isang lalaki sa Northern California ng $1,000 (higit P50,000) kapalit ng alaga niyang aso na ninakaw sa nakaparada nilang kotse.

Kuwento ni Dave Ford sa KGO-TV, nadatnan niyang basag na ang bintana ng kanyang sasakyan at wala na sa loob ang 3-taon-gulang niyang Cavalier King Charles Spaniel noong nakaraang Biyernes.

“Windows get smashed when computers get left in there, phones get left in there and it sucks but that’s kind of how it is in San Francisco now. But, a dog, that’s crossing the line,” ani Ford.


Ipinaalam niya sa pulisya ang nangyari at namigay rin sila ng kanyang nobya ng 1,000 fliers sa lugar.

Isang araw makalipas ang insidente, isang hindi kilalang lalaki ang tumawag at nagsabing hawak niya ang asong si Holly.

Humingi ng ransom ang lalaki at nakipagkita sa isang lugar dala ang aso na isinilid sa bag.

“I cried a lot this morning. You know it’s like having a kid taken,” saad ni Ford.

Hindi naman malinaw kung naaresto ang kidnaper ng aso.

Facebook Comments