Lalaki pinagbabaril patay , motorsiklo tinangay sa bayan ng Carmen North Cotabato

33

Isang 33-anyos na lalaki ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng hindi pa nakilalang suspek sa hangganan ng Sitio Pantaden, Brgy. Kibayao sa bayan ng Carmen, North Cotabato at Brgy. Kilangan, Pagalungan, Maguindanao alas-10:15 Sabado ng umaga.
Kinilala ang biktima na si Ryan Vallente Balicao residente ng Brgy. Manili, sa bayan ng Lutayan, Sultan Kudarat Province.
Sa report ay lulan ang biktima ng kulay itim na motorsiklo ng pagbabarilin ng suspek na tinamaan sa kanyang ulo na kaagad nitong ikinasawi. Sa pagtakas ng suspect ay tinangay nito ang minamanehong motorsiklo ng biktima.
Sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng Carmen PNP sa insidente.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments