Lalaki pinagbabaril patay sa bayan ng Kabacan North Cotabato

Isang 26-anyos na lalaki na isang drug surrenderre ang namatay ng
pagbabarilin sa national highway, barangay Poblacion, sa bayan ng
Kabacan, North Cotabato kahapon ng hapon.

Kinilala ni PCI Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP ang biktima na si
Joefel Key Bautista Nangcas ,residente ng Poblacion Kabacan.
Nakatayo lamang ang biktima sa loob ng Glass Aluminum Supply dakong
alas 4:30 ng hapon kahapon ng itoy nilapitan ng hindi kilalang gunman at
siyay pinagbabaril sa ulo.

Narekober sa crime scene ang tatlong basyo ng bala mula sa kalibre .45
pistol.


Patuloy pang inaalam ng Pnp kung ano ang motibo sa pamamaril.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments