Lalaki, pinagbabaril sa Commonwealth Quezon City

Quezon City, Philippines – Nakahandusay pa mismo sa loob ng kanyang tinutuluyang kubol ang isang lalaki pinagbabaril kanina lamang sa Commonwealth Quezon City.

Kinilala ang biktima na si Michael Miras, walang trabaho pero ito ay dating driver.

Ayon sa tyuhin ng biktima, nagtataka sila kung bakit tinambangan ang pamangkin gayong wala silang nababalitaang nakaalitan nito.


Aniya, ma kakasunod na putok nalang ang kanilang narinig pero hindi na nila nakita ang gunman.

Base naman sa kwento ng ilang sasaki, isang kotse ang kuminto sa Commonwealth Brgy. Old Balara at pinagbabaril ang biktima.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbistigayon at nagkalat sa crime scene ang basyo ng bala ng baril.

Facebook Comments