Tricycle at ang tatlong pasahero, tumilapon matapos mapatid sa isang nakalaylay na kable sa Quezon City

129

Manila, Philippines – Tumilapon ang isang tricycle at ang tatlong sakay nito matapos mapatid sa isang kable na nakalaylay sa Barangay East Kamias, Quezon City.

Sa kuha ng CCTV, makikitang ang normal na daloy ng trapiko sa lugar pero wala ang nakakapansin na lumaylay na kable sa isang poste.


Matapos ang ilang oras, hindi ito napansin ng tatlong dumaraang tricycle kung saan napatid ang isa rito at tatlong pasahero nito ang agad na tumilapon.

Dahil dito, nagdulot ito ng matinding trapiko sa lugar.

Lumabas sa imbestigasyon, na sumabit ang kable sa isang dumaraang trak.

Agad na itinanggal ang lumaylay na kable para hindi na mapagmulan pa ng aksidente.




DZXL558

Facebook Comments