Lalaki, pinagbabaril sa QC patay

153

Manila, Philippines – Patay ang isang lalaki, matapos pagbabarilin sa Brgy. Batasan QC.

Kinilala ang biktima na si Ryan Honoria na agad binawian ng buhay makaraang magtamo ng tama ng bala ng baril sa ibat ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa Criminal Detection Unit ng QCPD naghahapunan ang biktima sa kanyang bahay sa Sampaguita St. Brgy Batasan nang pasukin ng hindi pa nakikilalang suspek.


Hindi pa tukoy ng mga otoridad ang motibo sa pamamaslang sa biktima.

Pero ayon sa kanyang tiyuhin posibleng may kaugnayan sa illegal na droga ang sanhi sa pagpatay dito.

Facebook Comments