Lalaki, Pinagsasaksak ang Pinsan dahil sa Hinala!

Echague, Isabela- Kasalukuyan ng nagpapagaling sa ospital ang isang lalaki
matapos pagsasaksakin ng kanyang pinsan sa Brgy. Tuguegarao, Echague,
Isabela bandang alas otso kanina, Marso 17, 2018.

Kinilala ang biktima na si Robin Robleza, 33 anyos, may-asawa at driver
samantalalang kinilala naman ang suspek na si Vicmar Banggayan, 27 anyos,
may-asawa at pawang mga residente ng Brgy. Tuguegarao Echague, Isabela.

Sa Eksclusibong panayam ng RMN Cauayan News Team kay Echague Chief of
Police Ruben Martinez, sinabi nito na dati na umanong may hinanakit si
Banggayan sa biktima.


Aniya, nagtitinda umano noon ang asawa ni Robleza ng banana cue ng mataong
bibili sana ang suspek ng bigla nalamang umano itong tumalikod.

Ayon pa kay COP Martinez, paliwanag umano ng suspek ay nadagdagan pa ang
kanyang pagkainis ng pamalagiang pinapapasok ng biktima ang kanyang anak sa
loob ng kanilang bahay tuwing dumadaan si Banggayan sa tapat ng kanilang
bahay at hinala umano ng suspek ay pinagkakamalan siyang baliw.

Dagdag pa rito, hindi na umano nakapagtimpi ang suspek kaya’t inabangan ang
kanyang pinsan na si Robleza at pinagsasaksak sa kanyang bahaging likuran.

Nasa kustodiya ngayon ng PNP Echague ang suspek na sinubukan pang
kapanayamin ng RMN Cauayan News Team ngunit tumanggi namang magbigay ng
pahayag.

Echague Valley Cops, Ruben Martinez, RMN Cauayan, DWKD 98.5.

Facebook Comments