LALAKI, PINAGSASAKSAK NG KAPITBAHAY NA NASA IMPLUWENSYA NG ALAK SA BAYAMBANG

Sugatan ang isang 56-anyos na lalaki matapos pagsasaksakin ng kanyang kapitbahay na nasa impluwensya ng alak sa Brgy. Tambac Bayambang, Pangasinan noong gabi ng Pebrero 12, 2026.

Batay sa paunang imbestigasyon, dakong alas-otso ng gabi nang magsisigaw at umano’t naghahamon ng gulo ang suspek na isang 49-anyos na security guard.

Dahil dito, nilapitan siya ng biktima kasama ang kapatid nito at hinamon na lumabas ng bahay.

Subalit paglabas ng suspek, bigla umano nitong pinagsasaksak ang biktima na nagresulta sa mga tama ng saksak sa likod.

Agad na isinugod sa ospital ang biktima para sa agarang gamutan.

Naaresto naman ng rumespondeng mga tauhan ng Bayambang Municipal Police Station ang suspek at dinala rin sa ospital bago isinailalim sa kaukulang proseso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments