Lalaki, Pinagsasaksak sa Lamayan!

316

*Cauayan City, Isabela-* Patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad ang nangyaring pananaksak sa isang lalaki bandang alas 10:00 kagabi sa Brgy. Marabulig Uno, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Crisanto Ros Andres, 51 anyos, walang asawa habang ang suspek ay nakilalang si Andres Corpuz, nasa tamang edad at kapwa residente ng brgy. Marabulig Uno ng nasabing Lungsod.


Batay sa imbestigasyon ng PNP Cauayan, habang naglalaro ng baraha sa isang lamay sa naturang lugar ang biktima at suspek ay pansamantala munang umalis ang biktima para sa personal nitong pangangailangan.

Lingid sa kaalaman ng biktima ay sinundan ito ng suspek at basta na lamang sinaksak ang ibabang bahagi ng kanyang likuran.

Agad namang isinugod sa Cauayan District Hospital ang biktima para sa paunang lunas.

Nagsagawa naman ng follow-up operation ang mga otoridad para sa pagkakahuli ng suspek.

Facebook Comments

From Advertisers