LALAKI PINAGTATAGA NG KAINUMAN GAMIT ANG ESPADA, PATAY SA BAYAN NG MANGALDAN

MANGALDAN, PANGASINAN – Patay ang isang 57 anyos na lalaki matapos itong pagtatagain ng kaniyang kainuman sa bayan ng mangaldan pangasinan gamit ang isang espada.

Kinilala ang biktima na si Alfredo Cendana, 57 anyos, residente ng Brgy. Guesang at ang suspek ay si Christopher De Leon, 43 anyos tubong Nueva Vizcaya ngunit kasalukuyang naninirahan sa parehas na barangay.

Batay imbestigasyon ng awtoridad, magkasamang nag-iinuman ang biktima at ang suspek nang magkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng dalawa.


Naawat pa ang mga ito ng kanilang kasamahan at nag desisyong umuwi ng kani-kanilang tahanan.

Ilang minuto lamang lumabas ng kaniyang tahanan ang suspek dala-dala ang espada at pinagtataga ang biktima sa iba’t-ibang bahagi ng kaniyang katawan na dahilan ng kaniyang agarang pagkamatay.

Sinubukan pang tumakas ng biktima ngunit agad itong nahuli ng mga rumespondeng pulis.
Nakita sa crime scene ang espada na may habang 36 pulgada at 14 pulgadang itak.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek at nahaharap sa kasong murder.

Facebook Comments