Lalaki pinaslang ng dating asawa ng ka live in sa Mlang North Cotabato

Isang 41-anyos na lalaki ang namatay matapos pagbabarilin sa Purok Maharlika Barangay Bagontapay sa bayan ng Mlang sa lalawigan ng North Cotabato kahapon ng hapon.
Kinilala ni Police Chief InspectorI Rolly Oranza, hepe ng Mlang PNP ang biktima na si Dominador Beltran Jr., residente ng Brgy. Tawan-Tawan ng nasabing bayan.
Sakay ang biktima ng kanyang kulay pulang Honda Dream na may plakang LK 1708 kasama ang live-in partner nitong si Lilibeth Fernando ng sundan ng suspek na sinasabing dating asawa ni Fernando na sakay din ng motorsiklo.
Pagdating sa lugar ay pinagbabaril ng suspek na kinilalang si Leo Plaga Glory, 45-anyos , residente ng Brgy. Bialong sa bayan ng Mlang ang biktima gamit ang cal.45 pistol. Sa likod ng leeg tinamaan ang biktima na nagsanhi ng agaran nitong kamatayan.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments