Lalaki, pinatay sa sakal ang bungangera umanong madrasta 

654

Patay ang isang 62-anyos na ginang matapos sakalin ng stepson sa Cadiz City, Negros Occidental.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Andiolina Sibuyan, at ang suspek na si Angelito Sibuyan, 42, ng Sitio Paniquion, Barangay Jerusalem.

Ayon kay Police Lt. Col. Robert Mansueto, namataan ng ilang residente nitong Lunes ang suspek na naghuhukay sa tabi ng sapa malapit sa kanilang bahay.

Kasunod nito, umamin umano si Angelito na pinatay sa sakal ang madrasta noong Agosto 1.

Dipensa ng suspek, matinding galit ang nagtulak sa kanya na patayin ang biktima dahil madalas daw siyang pinagagalitan nito kahit sa maliit na bagay.

Lumalabas na nakainom din si Angelito nang mangyari ang krimen.

Nakapiit sa Cadiz City police station ang suspek na nahaharap sa kasong murder.




Facebook Comments