Los Angeles Lakers, bigo sa laban kontra Houston Rockets

49

Bigo ang Los Angeles Lakers sa laban nito kontra Houston Rockets matapos matalo sa iskor na 113-97.


Naging susi sa panalo ng Rockets si James Harden na nakapagtala ng 39 puntos at 12 assists, habang naglaro naman ang Lakers nang wala si Lebron James dahil sa iniindang injury.

Samantala, tinambakan ng Milwaukee Bucks ang Miami Heat sa iskor na 130-116.

Sa ngayon, nakuha na ng Milwaukee Bucks ang puwesto sa top seed ng Eastern conference.

Facebook Comments