Lalaki, pinatay sa saksak ang nobya sa harap mismo ng anak nito

2496

JACKSON HEIGHTS, New York – Tinadtad ng saksak ng isang lalaki ang kanyang nobya sa harap mismo ng dalagita nitong anak– saka hiniwa ang sariling tiyan.

Sa report ng mga opisyal, nagkaroon ng matinding pagtatalo ang suspek na sina Carmelo Mendoza, 41, at biktimang si Yaqueline Collado bago mangyari ang karumal-dumal na krimen noong Hulyo 3.


Habang nasa gitna ng argumento ay pinapasok daw ni Collado ang 19-anyos na anak sa kwarto ngunit makalipas lamang ang ilang sandali ay nakarinig umano ito ng sigaw mula sa kanyang ina.

Paglabas ng kwarto ay nasaksihan nito ang pananaksak ni Mendoza sa biktima sa dibdib, leeg at katawan.

Sinubukan daw nitong pigilan ang amain kaya saglit itong natumba ngunit mabilis ding nakabangon at pinagpatuloy ang pananaksak.

Dito na pinaalis ni Collado ang anak dahil mamamatay na umano siya kaya ito nagtungo sa kapitbahay para humingi ng tulong.

Parehong naisugod sa ospital ang dalawa kung saan idineklarang patay si Collado.




Patuloy naman sa pagpapagaling ang suspek habang inaayos ang kasong ihahain laban dito.

Sakaling mapatunayan sa reklamong murder, assault at criminal possession, maaaring humarap sa habambuhay na pagkakakulong ang suspek.

Facebook Comments