Lalaki pinaulan ng bala sa RH 6

Patay ang isang 30 anyos na lalaki na residente ng Parang Maguindanao matapos paulanan ng bala habang sakay ng kanyang Ford Eco Sport gray vehicle na may Plate # RB 0824 sa bahagi ng RH 6 Cotabato City pasado alas dos ngayong hapon.
Sa report mula sa City PNP kinilala ang nasawi na si Mohamad Pendatun Maruhom na nagtamo ng multiple gunshot wound sa kanyang katawan.
Sinasabing gumamit ng mga kalibre ng 5.56 mm at Caliber 45 ang mga suspek base sa mga basyo ng bala na nakuha sa crime scene.
Nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon ng PNP sa motibo at kung sinu ang mga responsable sa pamamaril.

Facebook Comments