LALAKI SA BAYAN NG CALASIAO NAGBIGTI DAHIL SA PERSONAL UMANONG PROBLEMA

CALASIAO, PANGASINAN – Nagpakamatay ang isang trentay syete anyos na lalaki dahil umano sa problema sa buhay, bayan ng Calasiao.

Ang biktima ay nakilalang si Roberto Laron tubong dagupan city at pansamantalang nakatira sa Brgy. Talibaew sa nasabing bayan.

Nakita itong nakabigti sa kanilang bahay gamit ang isang lubid ng kanyang live in partner.
Bago ang insidente ay naglasing pa umanong mag-isa ang biktima kung saan ay tinangka na nitong maglaslas ng pulso ayon pa sa live in partner nito ilang beses umano nitong sinasabing magpapakamatay ito dahil sa personal na problema.


Facebook Comments