Lalaki sa Benito Soliven, Huli sa Pagdadala ng Iligal na Baril!

Benito Soliven, Isabela- Nahaharap sa kasong Paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang isang lalaki matapos mahulihan sa pagdadala ng iligal na baril pasado alas otso kaninang umaga sa barangay District 2, Benito Soliven, Isabela.

Kinilala ang nadakip na si Florito Tagudan, singkwentay siyete anyos at residente ng naturang lugar.

Batay sa impormasyong ipinarating sa RMN Cauayan, nakatanggap umano ng tawag ang PNP Benito Soliven mula sa isang concerned citizen na mayroong isang lalaki na may dalang baril kaya’t agad na tinungo ng mga pulis ang naturang sumbong upang beripikahin sa pangunguna ni SPO3 Joey Bulan.


Nang makumpirma ng mga rumespondeng pulis ang naturang sumbong ay agad na dinakip si Tagudan dahil walang maipakitang mga dokumento ng kanyang baril na caliber 9mm.

Dinala na sa PNP Benito Soliven ang suspek maging ang nakumpiskang baril para sa kanyang kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments