Lalaki sa California – wagi sa lotto sa kanyang birthday

California – Isang nakapagandang regalo ang natanggap ng 35-year old na lalaki sa Los Angeles, California matapos na manalo sa lotto.

Napadaan lang para magmiryenda sa isang convenient store sa Arcadia si Henton Hughes nang maisipan niyang bumili ng mystery crossword scratches ticket.

Sino ba namang mag-aakala na ang 10-dolyar na presyo ng ticket ay mapapalitan ng 750,000 dollars!


Katumbas lang naman ito ng tumataginting na mahigit 38-million pesos!

At ang pinakauna niyang binili matapos manalo – ilang piraso ng sushi.

Facebook Comments