Lalaking Namboso ng Kapwa Lalaki sa Loob ng CR-Bagsak sa Kulungan!

Cauayan City, Isabela – Bagsak sa kulungan kahapon ang isang lalaki matapos na mamboso ng kapwa lalaki sa comfort room o CR ng isang malaking mall dito sa Cauayan City.

Kinilala ang nagreklamo na si Marlon Mallillin Jr., bente otso anyos, walang asawa, isang Pharmacist at residente ng San Fermin, Cauayan City, samantala ang namboso ay kinilalang si Ignacio Manuel, bente dos anyos, walang asawa at residente ng Barangay Bannawag, Angadanan, Isabela.

Sa naging paliwanag ni Ignacio sa RMN Cauayan, aniya hindi umano niya sinasadya na silipan si Mallillin dahil ang buong akala niya umano ay ang kaibigan niya ang nasa katabing cubicle sa loob ng CR.


Sinabi pa ni Ignacio na gusto lamang niya umano patunayan ang mga biro ng kanilang mga kaibigan na ang kasama niya ay hindi pa natuli kung kaya nagawa niyang sumilip sa baba ng katabing maliit na sulok o cubicle.

Paliwanag pa ni Ignacio na naglakas loob siya na silipan ang nasa kabilang cubicle dahil sa nakita naman niya umano na kapareho ng kaibigan niya ang sapatos at pantalon ni Mallillin, sa pag-aakalang iyon ay ang kaniyang kaibigan.

Samantala, unang nagreklamo ang biktima sa pamunuan ng mall na humingi naman ng tawad si Ignacio ngunit nagpursige si Mallillin Jr. na ireklamo ang ginawa ng suspek.

Sa ngayon ay nakatakda nang isampa ang kasong Unjust Vexation laban kay Ignacio o mas kilala sa pangalang Ignacia Manuel.

Facebook Comments