Lalaki sa Cavite na nakatanggap ng ayuda mula SAP, arestado matapos mahulihan ng droga

Hinuli ang isang lalaki mula Bacoor, Cavite matapos mahulihan ng hinihinalang shabu na ang ginamit umanong pera pambili ay ang natanggap na P6,500 na Social Amelioration Program (SAP).

Nadakip ng awtoridad ang suspek na si Clark Jerel Navalta noong Huwebes ng gabi.

Ayon kay Navalta, nang makatanggap siya ng ayuda ng pamahalaan, agad daw siyang bumili ng groceries at pumuslit ng P150 para maipambili ng ipinagbabawal na gamot.


Aniya, kinakailangan daw niya ito para magkaroon ng lakas lalo pa’t nagtatrabaho siya ng extra bilang construction worker.

Sa kabilang banda, dalawang lalaki rin na nakatanggap ng benepisyo mula sa gobyerno ang naireport matapos mahuling nagsasabong ng manok.

Kaugnay nito ay pinayuhan muli ni Bacoor Mayor Lani Mercado Revilla ang mga residente na gamitin sa tama ang mga matatanggap na ayuda.

Facebook Comments