Lalaki sa China – nagbibihis babae para sa kanyang ina

221

China – Nagbibihis pambabae ang isang 74-anyos na lalaki sa China.

Pero paglilinaw ni Li Yinglai – hindi siya bading kundi ginagawa lamang daw niya ito para pasiyahan ang mga turista sa kanilang lugar.


Bukod sa nakukuhang atensyon sa mga tao, ginagawa niya rin ito para sa kanyang ina.

Ang 96-anyos na ina ni Li ay gustong magkaroon ng anak na babae ngunit nagkaroon lang ito ng dalawang anak na lalaki.

At para matupad daw ito, napagdesisyunan ni Li Yinglai na magsuot ng makukulay na damit pambabae at gumalaw na parang babae.

14-years na daw na ginagawa ito ni Li Yinglai kung saan kada-Linggo ay nag-aanyong babae ito.




Facebook Comments