Presong uminom ng muriatic acid sa Ilocos Norte Provincial Jail, ligtas na

292

Manila, Philippines – Nasa mabuting kalagayan na ang isang bilanggong uminom ng muriatic acid sa loob ng Ilocos Norte Provincial Jail.

Nakita na lamang ng mga kasamahan ni Leonardo Ramos na pumuputi at bumubula ang bibig ng inmate habang nasa comfort room ito.


Agad naman itong isinugod sa pagamutan.

Ayon kay Provincial Guard II Robert Reyes – posibleng ang dahilan ng pag-inom ni Ramos ng muriatic acid ay ang hindi pagdalaw sa kanya ng kanyang pamilya sa bilangguan.

Nabatid na apat na buwan nang hindi binibisita si Ramos ng kanyang mga kaanak sa loob ng halos isang taong pamamalagi niya sa piitan.

Facebook Comments