CAMBRIDGESHIRE, England – Pinagmumulta ngayon ang isang lalaki matapos mahuli dahil sa pagmamaneho ng nasa 110 milya para lang umano maka-pangisda.
Ayon sa ulat, tumawid ang naturang lalaki mula Wolverhampton patungo sa lawa ng Cambridgeshire para manghuli ng isda sa kabila ng kasalukuyang lockdown at patakarang manatili sa bahay ang bawat isa sa lugar.
Saad ni East Cambridge Police spokeman, “As per the Government guidance and also DEFRA, people should not be leaving their houses in order to go fishing recreationally.”
Simula nang kumalat ang COVID-19, nagbaba umano ng protokol si Prime Minister Boris Johnson na papayagan ang sinuman na lumabas ng bahay ngunit sa limitadong pakay lamang.
Pinagbawal na rin ang pampublikong pagpupulong na mas higit sa dalawa upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Pinapayagan lang lumabas ang mga tao kapag bibili ng pangangailangan gaya ng pagkain at medical goods.
Kasabay din ang hindi pagpayag sa mga residenteng magtungo sa ibang bahay para makihalubilo o makipagkwentuhan.
Kinakailangang umanong itong sundin ng mga mamamyan at binigyan din ng kapangyarihan ang mga pulis na pigilan ang mga ito kung saan pagmumultahin ang sinumang lalabag sa patakaran.
Kaugnay nito, noong nakaraang buwan ay isang lalaki rin sa UK ang nahuli dahil sa pagmamaneho ng 220 milya para kolektahin ang mga binili umano nitong bintana ngunit napigilan ng mga pulis.
Nadiskubre rin na nagtatago ang asawa nito sa isang trunk dahil wala na itong maupuan sa loob ng sasakyan.