Lalaki sa Isabela, Arestado sa Paglabag sa RA 7610!

226

Roxas, Isabela – Arestado ang isang lalaki dahil sa kasong paglabag sa RA 7610 o “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act,” pasado alas dose ng hapon kanina sa Brgy. Nuesa, Roxas, Isabela.

Batay sa impormasyong nakalap ng 98.5 iFM Cauayan, nakilala ang akusado na si George Druja , 36 Anyos, may asawa, walang trabaho at residente ng Brgy. Munoz West, Roxas, Isabela.


Nadakip si Druja ng mga tauhan ng PNP Roxas sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Bernabe B. Mendoza ng RTC Branch 23 – Roxas, Isabela.

Ayon sa Korte, pansamantalang makakalaya ang akusado kung makakapaglagak ito ng P200,000.00 na pang piyansa.

Agad na dinala sa himpilan ng PNP Roxas ang akusado para sa karagdagang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments

From Advertisers