Lalaki sa Isabela, Patay sa Pananaga ng Kainuman!

764

Cauayan City, Isabela- Pinagtataga ng maraming beses ng mismong kainuman hanggang sa mamatay ang isang magsasaka sa Brgy. Bimonton, Mallig, Isabela sa kabila ng ipinapatupad na liqour ban dahil sa umiiral na Enhanced Community Quarantine.

Nakilala ang biktima na si Leony Sarmiento, 32 taong gulang, walang asawa, residente ng nabanggit na barangay habang ang suspek ay mismong kabarangay na si Richard Capuno, 39 taong gulang, karpintero at tubong Cebu City.


Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nag-inuman ang dalawa at nang sila’y makaubos ng dalawang bote ng alak ay nagkaroon ang mga ito ng mainit na pagtatalo.

Makalipas ang ilang sandali ay kumuha ng patalim ang suspek at itinaga ng maraming beses sa biktima.

Naisugod pa sa ospital ang biktima subalit dead on arrival (DOA) ito.

Nahuli rin ng mga barangay officials ang suspek at dinala sa himpilan ng pulisya para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.

Inihahanda na ng pulisya ang mga kaukulang kaso na isasampa laban sa suspek.




Facebook Comments