Lalaki sa isang viral video na nambubugbog ng babae na may kargang sanggol, pinaiimbestigahan ni SP Sotto upang masampahan ng kaso

Ayon kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III, sinimulan na ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI) Cybercrime Division ang imbestigasyon ukol sa isang lalaki sa isang viral video na nambubugbog ng isang babae na may hawak na sanggol sa loob ng isang bahay.

Ang naturang video ay naka-post sa Facebook page na REGtv kung saan ipinakita ang dalawang insidente ng pambubugbog sa nabanggit na hindi pa kilalang babae.

Paliwanag ni Sotto, kahit dalawang taon na ang nakalipas nang nai-post ang video ay maari pa ring sampahan ng kaso ang lalaki na makikitang ilang beses na nanakit sa babae.


Unang hiniling ni Sotto sa NBI na tukuyin ang lalaki sa nabanggit na viral video upang masampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9262 o Violence Against Women and their Children.

Sabi ni Sotto, ipinaalam sa kaniya ni NBI Director Eric Distor na nagtalaga na ito ng isang special team para alamin ang pagkakakilanlan ng mga nasa video.

Facebook Comments