Dagdag presyo sa produktong petrolyo, nakaambang ipatupad bukas

84

Muli na namang nakaambang magpatupad ng price increase sa mga produktong petrolyo ang ilang kompanya ng langis sa bansa.

Sa abiso ng Cleanfuel, epektibo bukas, June 7, alas-8:01 ng umaga ipatutupad ang ₱2.70 sa kada litro ng Gasolina.

Habang ₱6.55 ang dagdag presyo sa kada litro ng diesel.


Inaasahang mag-aanunsyo ng dagdag presyo sa produktong petrolyo ang iba pang kompanya ng langis sa bansa.

Ang dagdag presyo sa produktong petrolyo ay bunsod umano ng paggalaw nito sa presyuhan ng pagdaigdigang pamilihan.

Facebook Comments