Lalaki sa Japan na nagtangkang ipakalat ang coronavirus, pumanaw na

TOKYO – Patay na ang 57-anyos lalaking nanakot at nagsabing ipakakalat niya umano ang coronavirus matapos siyang magpositibo rito.

Ayon sa report ng local media, pumanaw ang lalaki nito lamang Miyerkules.

Noong nakaraang Linggo ay una nang pinayuhan ng awtoridad ang lalaki na manatili na lamang sa bahay at mag-self-quarantine matapos itong magpositibo noong ika-4 ng Marso.


Ngunit imbes na sumunod ay nagtungo umano ito sa isang bar matapos niyang takutin ang kanyang pamilya na ipalalaganap niya ang naturang virus.

Sa bar na kanyang pinasukan ay mayroon siyang nakatalik na babae na kalauna’y nagpositibo rin sa COVID-19.

(Basahin: Babae sa Japan, nagpositibo sa coronavirus matapos makipagtalik sa lalaking gusto umano itong ipakalat)

Nahuli ito ng mga opisyal nang aminin niya sa isang empleyado ng bar na mayroon siyang virus.

Isinugod pa siya sa ospital noong Marso 5 ngunit ilang araw makalipas ay binawian din ito ng buhay.

Ayon sa Kyodo News, nasa ilalim pa ng imbestigasyon ang naturang lalaki dahil sa “obstruction of business” matapos ang insidente.

Samantala, ang naturang babae naman na nagtatrabaho bilang hostess ng bar ay nagpositibo sa virus noong ika-12 ng Marso.

Facebook Comments