Lalaki sa Lungsod ng Ilagan, Timbog sa Drug Buy Bust Operation!

19

City of Ilagan, Isabela – Timbog sa isinagawang drug buy bust operation ng kapulisan ang isang lalaki dahil sa pagtutulak ng iligal na droga.

Sa impormasyong ibinihagi ng PNP Ilagan, kinilala ang suspek na si Mariano Jimenez, apatnapu’t anim na taong gulang, may asawa at residente ng Brgy.Calamagui 1st., City of Ilagan, Isabela.

Dahil sa pinagsanib pwersa ng mga tauhan ng PNP Ilagan at PDEA RO2 sa ikinasang operasyon ay matagumpay na natimbog si Jimenez kung saan ay nakuha sa pag-iingat niya ang halagang limang daang piso bilang marked money at ang ibinentang isang pakete ng shabu sa nagpanggap na buyer na isang alagad ng batas.

Sa ngayon ay nasa himpilan na ng PNP Ilagan si Jimenes para sa karagdagang imbestigasyon at disposisyon.

Facebook Comments