Isang Lalaki sa Quezon Isabela, Arestado Dahil sa 6 Counts na Kasong Estafa!

23

Quezon, Isabela – Inaresto kamakailan ng mga tauhan  ng PNP Luna at PNP Quezon ang isang lalaki dahil sa anim na beses na kasong estafa.

Sa ibinahaging impormasyon ng Luna Police Station, kinilala ang akusado na si Alex Galutan, apatnapung taong gulang, may asawa at residente ng Brgy. Santos, Quezon, Isabela.

Ang pagkakahuli kay Galutan sa Brgy. Mambabanga, Luna ay sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Bernabe Mendoza ng RTC Branch 23, Roxas Isabela at may nairekomendang piyansa na dalawampung libong piso para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Matapos isinagawa ang kaukulang dokumentasyon sa akusado ay ipinasakamay na agad sa Quezon Police Station.

Facebook Comments