Lalaki sa Lungsod ng Santiago, Timbog sa Buy Bust!

26

Timbog ang isang lalaki sa ikinasang drug buy bust operation ng Santiago City Police Station 1 sa brgy. Rizal sa naturang lungsod.

Kinilala ang suspek na si John Michael Ramos, 20 anyos, at residente sa nabanggit na lugar.

Nadakip ito matapos kumagat sa pain ng mga otoridad kung saan ay nakuha mula rito ang isang sachet ng hinihinalang shabu kapalit ang limangdaang piso na ginamit bilang buy bust money.

Sa ngayon ay nasa tanggapan na ng Santiago City Police Office ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o comprehensive dangerous drugs act.

Facebook Comments