Traysikel drayber, Arestado sa Pagbebenta ng Iligal na Droga!

86

Arestado ang isang traysikel drayber matapos itong makuhanan ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng kapulisan partikular ng Santiago Police station 2 sa brgy. Victory norte dito sa lungsod.

Kinilala ang suspek na si Froden Miguel, 48 anyos, may asawa isang traysikel drayber at residente ng brgy. Rosario Santiago City.


Nadakip ito matapos ang mapag-alaman ang iligal na pagbebenta ng droga kayat nagsagawa ng operasyon ang mga otoridad.

Nakabili naman ang nagpanggap na buyer ng isang sachet ng hinihinalang shabu at kapalit ng limang daang piso na buy bust money.

Agad namang dinala ang suspek sa tanggapan ng kapulisan at isinailalim sa medical na pagsusuri habang napag alaman pa na ito ay newly identified sa listahan ng mga otoridad sa pagbebenta ng iligal na droga.

Ngayong araw naman ay nakatakdang isailalim ang suspek sa inquest proceedings.

Facebook Comments

From Advertisers