Tuesday, March 17, 2026

Lalaki sa Provincial Most Wanted List, sinilbihan ng warrant of arrest sa BJMP Morong

Isinilbi ang warrant of arrest sa Jos, isang 56-anyos na lalaking kabilang sa Provincial Level Most Wanted Person, sa loob ng BJMP Custodial Facility.

Kinilala ng Morong PNP ang akusado na nahaharap sa kasong frustrated murder.

Ang warrant ay inisyu ng Regional Trial Court Branch 80, at nagtakda ng ₱200,000 piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.

Sa kasalukuyan, nananatili si alyas ‘Jos’ sa kustodiya ng awtoridad at sumailalim na sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon

Facebook Comments