Lalaki sa San Guillermo Isabela, Binugbug ng Dalawang Kainuman!

231

San Guillermo, Isabela – Binugbog ng dalawang kainuman ang isang lalaki sa Brgy. Dietban, San Guillermo, Isabela dahil lamang sa matagal nang hindi pagkakaintindihan.

Ayon kay Police Chief Inspector Arturo Cachero, hepe ng San Guillermo Police Station, kinilala ang biktima na si Samuel Acoba, tatlumpu’t walong taong gulang, may asawa, samantala ang mga suspek naman ay sina Rommel Flores, dalawampu’t walong taong gulang, may asawa at si Roger Arugay, dalawampu’t pitong taong gulang, walang asawa, pawang mga magsasaka at residente rin ng nabanggit na lugar.

Sa imbestigasyon ng kapulisan ay nagsadya umano sa himpilan ng pulisya ang biktima dahil sa ginawang pambubugbog sa kanya ng mga suspek.


Sinuntok umano ni Dugay si Acoba at sinapak naman siya ni Rommel sa kanang bahagi ng kanyang mata gamit ang babasaging baso.

Dahil sa malalang sugat na tinamo ng biktima ay dinala ito ng kapulisan sa RHU ng San Guillermo.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang dalawang suspek at inihahanda na ang kanilang kakaharaping kaso.



Facebook Comments