Babaeng Tulak ng Droga mula sa Caloocan City Manila, Arestado sa Alicia Isabela!

Alicia, Isabela – Arestado kahapon ang isang babae na tulak ng droga matapos isinagawa ang drug buy bust operation ng kapulisan sa Brgy. Aurora, Alicia, Isabela.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Chief Inspector Rey Tad-O, hepe ng Alicia Police Station, kinilala ang suspek na si Emelda Estrellado, alyas “Ime”, apatnapu’t pitong taong gulang, may asawa at residente ng Zone 176, Brgy. Bagong Silang, Caloocan City, Metro Manila.

Ayon pa kay Chief Inspector Tad-O, nahulog sa kanilang kamay si Ime matapos makuha sa pag-iingat nito ang limang daang piso bilang marked money, dalawang pakete ng hinihilaang shabu at isang cell phone.


Sinisikap naman umano ng PNP Alicia na makipag-ugnayan sa himpilan ng Caloocan City para sa karagdagang imbestigasyon hinggil sa suspek.

Samantala naniniwala ang nasabing opisyal na maaring ginagawang bagsakan ng iligal na droga ang bayan ng Alicia kung kaya’t maigting umano ang isinasagawang operasyon may kaugnayan sa ipinagbabawal na gamot.

Facebook Comments